Thursday, February 11, 2010

Food Trip


Filipino's are known to be food lovers kahit saang bansa pa mapunta.We will try every food that is new to our sight regardless of the price kaya naman kabi kabila ang mga kainan sa iba't ibang sulok ng Pilipinas at kulang ang isang department store kung walang fast food area na punung puno lagi ng tao. Sa dami nga nila ay di mo na malaman kung ano ang pipiliin. Nung buntis ako sa panganay ko, madalas kong puntahan sa kahit anong fast food center sa mga mall ay Goto King's special arrozcaldo with lumpiang prito. Ewan ko ba sarap na sarap talaga ako don na sasabawan ko pa ng pinaghalong tamis at asim ng suka at toyo ng lumpia sauce. At kapansin pansin na di nawawala ang magkalabang Jollibee at Mc Donald kahit saang lugar ay talaga naming puno palagi. Mahal na ang franchise nila! magkano na kaya ngayon?

I like Jollibee more than Mc Donald. I love their crispy chicken joy, palabok and hotdog sandwich. But here in Qatar whenever I crave for hamburger I go for Mc Donald's fillet o'fish meal or cheese burger with french fries and small soda

When it comes to fried chicken,Max's is the best for me plus their fresh lumpia. Paano kaya nila niluluto yon?simple lang pero sarap to the bones.

Masarap din daw ang Mary brown with gravy but I haven't tasted it yet.
Kenny Roger's has its chicken and ribs with side dishes na pwede na rin if you feel like eating affordable American foods.
Chowking has a wide variety of good tasting Chinese food but don't try it here in Qatar because their taste and servings are not as good as in the Philippines.
KFC,  pwede na kung type mo kumain ng friend chicken with gravy on the side. Dito kasi sa Qatar, no gravies kaya parang bitin ang kain so magtyaga ka na lang sa ketchup.

Pizza Hut for home delivery. Kapag tinatamad naman akong mgaluto.They have super supreme and lasagna with garlic bread for me and hubby, hawaiian pizza and spicy chicken wings naman for my son.
More than 3 years na rin pala kong di umuuwi ng Pinas, .last time I went back home ay nung kunin ko ang anak ko and I stayed there for 1 month. And of course, vacation is not complete without visiting these fastfoods and restaurants. Unahin ko na ang

Henlins for their siomai na may masarap na chili sauce, syempre di ko makakalimutan yan kahit pa nakatayo lang ako sa gilid gilid.
Pancake House for plain and flavored pancakes and waffles for breakfast .
Dencio's with their best selling sisig, ,crispy pata ,sinugba , bulalo and grilled foods.


At heto pa :
Gerry's Grill - pinoy food na kung saan lahat ay gusto mong orderin at unahin mo na ang sisig crispy pata, tuna belly, pinaputok na tilapia dahil talaga naming masarap.
Dads Eat All You Can -Kung malakas ka naman kumain at kaya pa ng budget, sulit ang tyan at bulsa mo, lalo na at mahilig ka sa inihaw, try their boneless wagon wheel steak, stuffed squid, giant shrimps, lengua, paella at marami pang iba.Casa Ilongga -  the best ang La Paz Batchoy ever.
Barrio Fiesta - kare-kare and crispy pata at meron din silang eat all you can.
Goldilocks – ensaymada, dinuguan matching with puto pao
Red Ribbon – cakes and pastries.
Panciteria - Pancit Malabon sa bilao...
Lumpia House - fish balls, tempura, squid balls
Ice cream Castle – halo halo
Greenwich- lasagna with garlic bread and pizza.
Wendys- iced tea and burger and garden sensations salad.

Anu ano pa ba? Kung isa isahin natin ang ma fastfood and restaurants sa atin ay talaga nga namang masasabi nating mahilig talaga sa pagkain ang mga Pinoy

0 comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!